Abu Sayyaf Sub-leader na sangkot sa Sipadan hostage crisis, 1 pa todas sa encounter
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang sub-leader ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG)  na sangkot sa Sipadan hostage crisis noong 2000 at isa nitong tauhan makaraang makaengkuwentro ang tropa ng mga sundalo sa Talipao, Sulu kamakalawa.

Sa ulat  ng Joint Task Force (JTF) Sulu, kinilala ni Philippine Army Spokesman Lt. Colonel Ramon Zagala  ang napatay na Sub-Leader ng Abu Sayyaf na si Angah Adjih.

Ayon kay Zagala si Adjih, ay isa at nalala­bing bandido na sangkot sa Sipadan hostage crisis noong Abril 2000 matapos salakayin ang isang beach resort sa Malaysia kung saan ang mga biktima na karamihan ay mga European ay dinala at itinago sa Sulu. Ang mga bihag ay isa-isang nakalaya  na hinihinalang nagba­yad ng ransom habang ang iba pa ay nasagip sa rescue mission.

Bandang alas-4:45 ng hapon nang maganap ang bakbakan sa liblib na bahagi ng Upper Binuang, Talipao, Sulu sa pagitan ng tropa ng Army’s 2nd Special Forces Battalion (SFB) at ng grupo ni Adjih.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay napatay sina Adjih at Sarih Edris na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan.

Narekober naman sa encounter site ang isang M14 rifle, isang M16 rifle, isang M203 grenade launcher, sari-saring  magazine at mga bala gayundin ang mga personal na kagamitan.

“The long arm of the law has finally caught up with these terrorists and criminals. We assure the people that we will do every­thing to keep Sulu safe and secure,” pahayag ni Colonel Antonio Nafarrete, Commander ng Army’s 1101st Infantry Brigade (IB).

ABU SAYYAF GROUP SIPADAN HOSTAGE CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with