^

Probinsiya

Van vs truck: 6 patay, 10 sugatan!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Van vs truck: 6 patay, 10 sugatan!
Tinakpan na lang ng karton ang katawan ng dalawa sa anim na nasawi sa salpukan ng isang van at truck sa Purok 3, Barangay New Sibonga, Nabunturan, Compostela Valley kamakalawa ng hapon. May 10 pang katao ang sugatan sa banggaan.
FB photo/Renz Duterte Ontal

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi habang 10 pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang isang pampasaherong van at kasalubong na truck sa kahabaan ng highway ng Purok 3, Brgy. New Sibonga, Nabunturan, Compostela Valley nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Compostela Valley Police, kinilala ang mga nasawi na sina Anita Cantillas at Jackielyn Gubato; pawang dead-on-the-spot habang dead-on-arrival sa ospital sina Edjohn Cantoria at Sim Sholto Pitos. Binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mag-asawang Fernando at Gertrudes Catiil.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang mga nasugatan kabilang ang 9 na pasahero at driver ng van.

Sa imbestigasyon, alas-4:45 ng hapon nang aksidenteng magbanggaan ang pampasaherong Toyota Hi Ace van at kasalubong nitong Mitsubishi Canter truck habang bumabagtas sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. New Sibonga. Biglang nagpreno ang driver ng van na minamaneho ni Rogelio Gallenero sa pakurbadang highway bunsod upang magpagewang-gewang ang takbo nito hanggang makabanggaan ang kasalubong na truck sa lugar.

Ayon sa driver, masyado umanong madulas ang kalsada at hindi niya nakontrol ang manibela ng behikulo. Lumilitaw na kolorum ang ipinapasadang behikulo ng nasabing driver.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to 6 counts of homicide and multiple physical injuries ang driver ng dalawang behikulo.

vuukle comment

COMPOSTELA VALLEY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with