^

Probinsiya

Mister nanakal ng misis, binoga ng ama

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Mister nanakal ng misis, binoga ng ama

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan  , Philippines  —  Nakiki­pag­buno kay kamatayan ang isang 23-an­yos na senglot na mister matapos barilin ng sariling ama na nabigong umawat sa kanyang pagwawala at pananakal sa sariling misis sa kanilang bahay sa  Brgy. Cabalangegan, Vigan City, Ilocos Sur kahapon.

Sa report ng pulisya, umuwing lango sa alak si Mark John Peros saka ina­way ang misis hanggang sunggaban na nito ang leeg at sakalin sa harapan ng kanyang ama na si Juanito Peros, 51, dakong alas-2:45 ng madaling araw.
Sinubukang awatin ng nakatatandang Peros ang anak pero patuloy ang pagsakal ng huli sa kanyang misis.

Dahil dito, kinuha ni Juanito ang itinatago niyang cal. 38 paltik at binaril nito ang anak na si Mark John. Isinugod ng mga sumaklolo ang biktima sa Gabriela Silang General Hospital habang sumuko sa mga nagrespondeng pulis ang suspek ngunit wala na ang ginamit nitong baril.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with