Dalaga ni-rape na, tinangka pang patayin

MAUBAN, Quezon, Philippines — Masaklap ang sinapit ng isang 30-anyos na dalaga matapos na pagsamantalahan ay tinangka pang patayin ng hindi nakikilalang suspek sa bayang ito, kamakalawa.

Ang biktima na itinago sa pangalang Jane ay tulala at hindi pa makausap ngayon at naka-confine sa Mauban District Hospital dahil sa tinamong malalim na sugat sa mukha.

Ayon sa ulat ni P/Major Rodelio Calawit, bandang alas-4:00 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ang biktima sa loob ng abandonadong kubo na hubo’t hubad, duguan at walang malay.  Sa tabi nito ay nagkalat ang kanyang mga damit at may palatandaang ginahasa.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigas­yon ang pulisya upang matukoy ang suspek.

Show comments