Magdyowa tiklo sa droga
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Nasakote ng Rosario Police ang mag-dyowa na umano’y mga tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Brgy. Tejero ng nasabing bayan. 

Kinilala ni Police Chief Insp Dhefry Punzalan.  hepe ng pulisya sa ba­yang ito ang mga suspek na sina Marvin Emelo, 30-anyos, caretaker at residente ng Brgy. Tejeros Convention, Cavite  at ang nobya nito na si Ailyn Jaranilla, 24, ng  Brgy. Wawa 1, Rosario, Cavite na kasama rin sa bagong listahan ng mga identified drug persona­lity sa bayang ito. 

Ayon kay Punzalan,  nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa mga suspek ganap na alas-4:45 ng hapon sa Bara­ngay Tejeros Convention ng bayang ito. Isang pulis ang tumayong scorer at nakipag-transact sa mga suspek at nang magpositibo ang operasyon, agad na dinakma ang dalawa.

ARRESTED FOR DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with