Mag-ama nilamon ng ilog
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2019 - 12:00am

LUCENA CITY , Philippines  —  Kapwa patay ang isang ama at anak na totoy makaraang lamunin ng ilog ng Dumacaa na sakop ng Purok Sari­ling Atin, Brgy. Gulang-gulang sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat kay P/Supt. Reydante Ariza, chief of police dito, kinilala ang mga biktima na sina Ronaldo Dacer, 30, construction worker at anak niyang si Carlo, 10, kapwa residente ng Purok Group Greenhills, Brgy. Market View.

Dakong alas-12:00 ng tanghali ay nagtungo sa ilog ng Dumacaa si Dacer kasama ang anak at mga pinsan ng kanyang live-in partner upang mag-picnic. 

Bandang alas-5:00 na ng hapon nang luma­ngoy sa Dumacaa River ang mag-ama subalit napadako ang dalawa sa malalim na bahagi ng ilog  at kapwa lumubog.

Nagsagawa ng search and rescue ope­ration ang mga tauhan ng CDRRMO at BFP at nang makuha ang mag-ama, mabilis na isinugod sa Quezon Medical Center subalit kapwa nasawi habang nilalapatan ng lunas.

DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with