^

Probinsiya

3 ‘drug trafficker’ huli sa P13.6-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 �drug trafficker� huli sa P13.6-M shabu
Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Nursibar Ekong alyas Jamal, 29-anyos; Tupay Kali, 32, at Gajier Ahmad, 29; pawang ng Brgy. Mampang sa nasabing lungsod.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang bigtime drug trafficker ang nasakote matapos masamsaman ng P13.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang anti-drug operation ng mga awtoridad sa harap ng isang fastfood chain sa Plaza Pershing, Brgy. Zone IV, Zamboanga City nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Nursibar Ekong alyas Jamal, 29-anyos; Tupay Kali, 32, at Gajier Ahmad, 29; pawang ng Brgy. Mampang sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, director ng Police Regional Office (PRO) 9,  nagsagawa ng operas­yon ang pinagsanib na elemento ng Zamboanga City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 sa harap ng sikat na fast food chain sa Plaza Pershing, bandang alas -2 ng hapon.

Ayon kay Licup, naki­pag-deal ang isang poseur buyer sa mga suspek sa lugar para bumili ng droga. Habang iniaabot ng mga suspek ang  isang plastic sachet ng droga na may halagang P1,000 sa buyer ay agad na lumutang ang iba pang operatiba at inaresto ang tatlo. Nang inspeksyunin  ang dalang bag ng mga suspek, nakuha rito ang karagdagang 3-kilo ng droga na nakalagay sa isang plastic bag at isang paper bag. (Rhoderick Beñez)

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with