2 ‘pusher’ dedo sa buy-bust, 11 huli
2 ‘pusher’ dedo sa buy-bust, 11 huli
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sina­sabing ‘pusher’ ng droga sa naganap na shootout habang huli ang 11 sa sunud-sunod na buy-bust operations na isinagawa ng mga otoridad sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Rizal, kamakalawa.

Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), dakong alas-11:50 ng gabi nang mapatay ng mga tauhan ng Antipolo City Police sa isang engkwentro ang mga suspek na sina alyas ‘Julius’, na nagpakilala pang pulis, at kanyang kasamahan na si Rolando Tajan.

Nauna rito, nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis ng Intel City Drug Enforcement Unit (CDEU) at Warrant Operatives sa Block 100, Lot 5, Robinson Homes, Barangay San Roque, Antipolo City, matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ni Julius, na iniulat na tulak umano ng ilegal na droga.

Sa kasagsagan ng tran-saksiyon, nakahalata ang mga suspek na pulis ang kli-yente kaya’t bumunot ng baril at nanlaban ngunit napatay.

Samantala, binitbit na rin ng mga otoridad sa presinto sina Camille Laurel, 22; Paulina Marquez, 18 at isang 15-anyos na dalagita, matapos na maabutan sa lugar.

Nakumpiska ng mga oto­ridad mula sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu, shabu paraphernalia, at dalawang kalibre .38 revolvers.

Samantala, dakong 3:50 ng hapon nang maaresto naman ng Rodriguez Municipal Police sa buy-bust operation sa Libis, Brgy. San Jose, Rodriguez, si Segundo Sabinario Jr., at nakumpiskahan ng anim na pakete ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, at P300 cash.

Dakong 5:00 ng hapon naman nang maaresto sa Brgy. Cupang, Antipolo City sina Dante Gubac, John Cortez, Roger Boiser Jr., Luis Madrid, at Mariano Bacalzo, Abigail Buenaventura, at Ronnie Devina.

BUY-BUST OPERATIONS RIZAL POLICE PROVINCIAL OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with