^

Probinsiya

2 studes tiklo sa droga sa klasrum

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 studes tiklo sa droga sa klasrum

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Arestado ang dalawang 16- anyos na binatilyong estudyante matapos matiklo ang itinatagong 25 paketeng pinatuyong dahon ng marijuana sa kanilang bag sa loob ng kanilang classroom sa Barangay Cataggaman Pardo ng lungsod na ito kamakalawa.

Sa report kay Supt. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao Police, nabatid ng guro ng mga suspek na Grade 10 students ang itinatagong damo mula sa text message ng isang impormante.

Ayon sa report, ang mga nasamsam na marijuana ay nakabalot sa pinunit na pahina ng libro.

Isinagawa ang pagsisiyasat sa bag ng da­lawa habang lunch break ng paaralan sa harap ng pulisya, mga opis­yales ng barangay sa pa­ngu­nguna ni Chairman Artemio Tallud at isang kinatawan ng Department of Justice.

Isinailalim sa drug test ang mga binatilyo bago ipinasakamay sa DSWD.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with