^

Probinsiya

Bangka lumubog: 40 sakay nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bangka lumubog: 40 sakay nasagip

MANILA, Philippines — Nasagip ng pinagsanib na elemento ng pulisya at Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 tripulante at 30 pasahero makaraang aksidenteng lumubog ang isang pampasaherong bangka sa karagatan ng Brgy. Poblacion, San Jose, Romblon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Socrates Faltado, spokesman ng Police Regional Office IV B, dakong alas-6:30 ng umaga nang aksidenteng lumubog ang MCBA motorized bangka sa bahagi ng nasabing karagatan.

Ang pampasaherong bangka ay pag-aari ng retiradong guro na si Dileto Bandala, 81-anyos, may asawa, ng Brgy. Poblacion, San Jose ng lalawigang ito. Kasalukuyang nagmamaniobra ang naturang bangka sa San Jose Port patungong Santa Fe, Romblon lulan ang 30 pasahero at 10 tripulante  nang masiraan ito ng makina. Dahil sa malakas na alon ay natangay ang bangka sa mababang bahagi ng tubig at inihampas sa batuhang bahagi ng nasabing lugar.

Inihayag ni Faltado na mabuti na lamang at na­ging maagap ang mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station at Philippine Coast Guard at sa tulong ng mga lokal na mangingisda ay nasagip ang lahat ng lulan ng bangka. (trainee Princess Yvonne Garcia)

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with