Sinabi ni Chief Insp. Noel Magbitang, hepe ng Cabagan Police, agad inaresto si Regie Del Mundo, 33, ng Brgy. Bungad sa katabing bayan ng San Pablo matapos masamsaman ng pitong sachet ng shabu at buy-bust money na tinanggap nito mula sa undercover agent.
File Photo
Holdaper tiklo sa drug bust
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang umano’y miyembro ng bank robbery at gun-for-hire-group na tumatarget ng mga pulitiko ang natimbog sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela noong Lunes.

Sinabi ni Chief Insp. Noel Magbitang, hepe ng Cabagan Police, agad inaresto si Regie Del Mundo, 33, ng Brgy. Bungad sa katabing bayan ng San Pablo matapos masamsaman ng pitong sachet ng shabu at buy-bust money na tinanggap nito mula sa undercover agent.

Si Del Mundo ay tukoy umano na isang high value target (HVT) ng mga awtoridad at sinasabing miyembro ng “Bonnet Gang” ng notoryus na si Rey Mamauag. Sa rekord ng pulisya, ang grupo ni Mamauag ay natukoy sa P21 million robbery holdup sa isang bangko sa lungsod na ito noong 2018 at sa pagpatay ng mga politiko na tagasunod ni San Pablo Mayor Antonio Miro.

DRUG BUY-BUST-OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with