‘Most wanted’ huli sa parak

ANGELES CITY, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang tinaguriang “Most Wanted” matapos maispatan sa isang cockpit arena sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga kamakalawa.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Supt. Narvin Mangune, ng Angeles City Police, kinilala ang suspek na si Eduardo Ocampo 42, alyas “Badey” ng Brgy. Sto. Domingo, Angeles City.

Dakong alas-3:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Iren Zenaida Buan ng RTC Branch 56 sa kasong robbery with homicide na walang piyansang inirekomenda. Sinasabing patung-patong na kaso pa ang kakaharapin ng suspek dahil sa sangkot sa iba’t ibang serye ng krimen sa lalawigan.

Show comments