Medical mission ng militar binomba

Ayon kay Col. Gerry Besana, alas-11:30 ng umaga kay Besana nang sunud-sunod na pasabugan ng 60 mm rounds ng mortar ng mga bandido na bumagsak may 200 metro ang layo sa kasagsagan ng medical mission sa Brgy. Tanum at Brgy. Sandah, Brgy. Kidday Mapallam; pawang sa Patikul.

MANILA, Philippines — Binomba ng mortar ng hinihinalang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang venue ng medical mission na isinasagawa ng 6th Special Forces Battalion (SFB) ng Phl Army, pamahalaang lokal at iba pang ahensya sa bayan ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. Gerry Besana, alas-11:30 ng umaga kay Besana nang sunud-sunod na pasabugan ng 60 mm rounds ng mortar ng mga bandido na bumagsak may 200 metro ang layo sa kasagsagan ng medical mission sa Brgy. Tanum at Brgy. Sandah, Brgy. Kidday Mapallam; pawang sa Patikul.

Aniya, isinasagawa ang Joint Civic Action sa Tanum Elementary School sa Brgy. Tanum, na naglalayong maghatid ng pangunahing serbisyo sa may 2,000 residente sa lugar. “The mortar rounds are estimated by troops to have been fired 500 meters away, from east direction, of the activity venue and believed to be initiated by the Abu Sayyaf groups in the area intended to intimidate the populace from participating in the said initiative,” pahayag ni Besana. Wala namang iniulat na nasu­gatan at nasawi sa insidente.

Show comments