Magkalaguyo sa selda nag-Valentine

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Jaime Magtira Ramirez, 25 ng Purok Magsaysay, Loakan Proper at si Gemma Antonio-Oseo, 28, na nakatira sa La Trinidad, Benguet.
Cesar Ramirez

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sa kulungan nag-celebrate ng Araw ng mga Puso ang umano’y magkalaguyong call center agent na nabigong maglagak ng piyansa matapos silbihan ng awtoridad ng arrest warrant sa kasong Adultery sa kanilang pugad sa Purok Sadjo, Loakan Proper, Baguio City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Jaime Magtira Ramirez, 25 ng Purok Magsaysay, Loakan Proper at si Gemma Antonio-Oseo, 28, na nakatira sa La Trinidad, Benguet.

Ayon sa report, ang warrant of arrest ng magsing-irog ay ipinalabas ni MTCC Judge Maria Clarita Casuga-Tabin na nagrekomenda ng tig-P12,000 na piyansa para sa kanilang pan­samantalang kalayaan.

Show comments