Ayon sa kumalat na mensahe sa Facebook, kailangang i-disinfect ang Emergency Room ng ospital gamit ang UV ng ilang oras upang tuluyang mapatay ang bacteria.
2-buwang sanggol tigok sa meningo?
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2019 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  —  Nabalot ng takot ang mga residente sa lungsod matapos na kumalat sa social media na may namatay na 2-buwang gulang na bata sa isang ospital dito na nagpapakita ng mga senyales ng Meningococcemia dahilan upang ipasara pansamantala ang emergency room ng ospital.

Ayon sa kumalat na mensahe sa Facebook, kailangang i-disinfect ang Emergency Room ng ospital gamit ang UV ng ilang oras upang tuluyang mapatay ang bacteria.

Lalo pang binalot ng pangamba ang mga Caviteño matapos na kumalat ang mga larawan ng nakasara at nakabalot na ER ng ospital at ilang netizens din ang nagpatotoo na hindi nga nagagamit ngayon ang ER ng ospital.

Kaugnay nito, agad namang nagpalabas ng official statement ang City Disease Surveillance Unit ng City Health Office at nagbigay-linaw sa kumakalat na balita.

“The medical case of a 2 month old who died in Cavite Medical Center last January 29, 2019 is just a suspected Meningococcemia. After investigation, it was clear that “IT WAS NOT” a confirmed case of Meningococcemia. Please disseminate correct and proper information as not to cause panic and false hysteria amongst fellow Caviteños. Thank you,” ayon kay Jeffrey dela Rosa, MD, FPPS (Medical Officer IV, City Disease Surveillance Officer).

Sa kabila nito, hinikayat ang publiko na sa halip mag-panic ay maging alerto at maging malinis sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay at paggamit ng mask lalo na sa pampublikong lugar at ang pag-inom ng mga vitamins at kumain ng masusustansiyang pagkain upang makaiwas sa mga sakit.

MENINGOCOCCEMIA SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with