Kusinerong bading inutas sa bubong

Ang duguang bangkay ng umano’y bading na si Darwin Ramos matapos na mabaril at mapatay ng di kilalang killer sa bubungan ng pinapasukan nitong bulaluhan.
(Kuha ni Raymund Catindig)

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —   Isang 38-anyos na kusinerong bading ang binoga at napatay sa bubungan ng pinapasukang bulaluhan sa Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela kahapon ng madaling araw.  Kinilala ni Chief Insp. Jeffrey Raposas, hepe ng San Mateo Police ang biktima na si Darwin Ramos na nanunuluyan sa Brgy. Mapuroc. Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang marinig ng mga waitress ng Bayani Bulaluhan ang putok subalit dakong alas-7:00 na ng umaga nang tumambad sa mga nagdaraang motorista ang duguang bangkay ng biktimang nakadapa at may tama ng bala sa likuran sa bubungan.

Nakita sa CCTV na pumasok sa bulaluhan dakong hatinggabi si Ramos na nakatalukbong at tila naghahalughog subalit wala namang natangay sa loob.
Isang basyo ng bala ng cal. 45 boga at ang ginamit na kumot ni Ramos ang narekober sa crime scene.

Show comments