^

Probinsiya

Motorsiklo sumemplang: 2 lasog

Nina Gemma Amargo-Garcia at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo sumemplang: 2 lasog
Idineklarang dead-on-arrival sa Urdaneta District Hospital ang mga biktimang sina Robert Daus, 32-anyos ng Brgy. Pob­lacion at backrider na si Alberto Baga Jr., 29, ng Brgy. San Vicente West; pawang ng lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Camantiles, Urdaneta City, Pangasinan nitong Lunes ng gabi. 

Idineklarang dead-on-arrival sa Urdaneta District Hospital ang mga biktimang sina Robert Daus, 32-anyos ng Brgy. Pob­lacion at backrider na si Alberto Baga Jr., 29, ng Brgy. San Vicente West; pawang ng lungsod. 

Sa ulat, bandang alas–7:50 ng gabi, kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang kulay itim na Honda TMX 155 na minamaneho ni Daus habang angkas si Baga patungo sa silangang direksyon nang bigla itong sumemplang sa pakurbada at baku-bakong daan na sumalpok pa sa barandil­yang bakal sa naturang bahagi ng highway. 

Unang nahulog sa motorsiklo ang backrider habang ang driver ay bumagsak din sa lupa kasama ng sumemplang na motorsiklo.  

vuukle comment

URDANETA CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with