4-anyos nalunod sa pool
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing ng mag-anak mula sa Mancayan, Benguet matapos malunod ang 4-anyos nitong miyembro sa apat na talampakang children’s pool sa isang resort sa Brgy. Comilas North, Cervantes, Ilocos Sur kamakalawa. ?Sa report, nakita na lamang ng kanyang ina na lumulutang si Jetro Batnag matapos na iwanan kasama ng ibang bata sa pool ng Ben Car Hot Spring dakong alas-11:30 ng tanghali.?
Mabilis na isinugod ang bata sa Bessang Pass Memorial Hospital pero idineklarang patay.
- Latest