^

Probinsiya

Miyembro ng ‘Gupit Bubong’, tumba sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Bumulagta ang isang sinasabing mi­yembro ng ‘Gupit Bubong’ gang na isa ring drug suspek nang manlaban at makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Damayan 1, Brgy. Ibabang Iyam, ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Christopher Sarco, alyas “Inggo Rayos” 33, binata, cons­truction worker, residente ng nasabing barangay at dating detainee sa Lucena City Jail dahil sa kasong Theft at sina­sabing miyembro ng Gupit Bubong gang na pinamumunuan ni Jeric Aureada, na napaslang din ng mga pulis noong Lunes ng gabi.  Sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban sa suspek subalit nang aarestuhin na ay pumalag ito saka bumunot ng ka­libre .38 baril at pinutukan ang mga pulis na agad namang nakaganti dahilan upang duguang tumumba ang suspek.  Nabatid na si Sarco ay sumailalim sa tatlong araw na Community Base Rehabilitation o SIPAG noong Disyembre ng nakalipas na taon gayunman ay muling bumalik sa dating bisyo batay sa ulat ng Community Mobilization Program.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with