^

Probinsiya

3 drug trafficker huli sa P6.8-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 drug trafficker huli sa P6.8-M shabu

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang bigtime drug trafficker ang nasakote habang aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation sa isang bahay sa Pilar Street, Zamboanga City kamakalawa ng hapon.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong ala-1:05 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na elemento ng anti-drug operatives ng Zamboanga City Police Station 11, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Air Force (PAF) sa isang bahay na ginawang drug den ng grupo sa lugar.

 Arestado sa operas­yon sina Ismael Nassal, 52-anyos; Sadan Jailami at Rajan Jumaani, 26 at nakumpiska sa kanila ang isang kahon ng sapatos na naglalaman ng mahigit isang kilong shabu na nakabalot ng packaging tape at tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon. Narekober din ang P1,000 bill na nasa ibabaw ng pekeng P1.2 mil­yon na ginawang “marked money”.

 

vuukle comment

DRUG TRAFFICKER

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with