Nakilala ang nasawi na umano’y karnaper na si alyas Glen habang ang dalawang drug suspect ay sina Alexander Trinidad Jr. at alyas Bay, kapwa ng San Jose Del Monte City.
Joven Cagande
Karnaper, 2 ‘pusher’ todas sa barilan
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2018 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Isang umano’y karnaper at dalawang tulak ng shabu ang nasawi matapos ang isinagawang Simultaneus anti-Criminality and other Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Santa Maria at San Jose Del Monte City, Sabado ng magdamag.

Nakilala ang nasawi na umano’y karnaper na si alyas Glen habang ang dalawang drug suspect ay sina Alexander Trinidad Jr. at alyas Bay, kapwa ng San Jose Del Monte City.

Sa ulat ni P/Supt. Carl Omar Fiel ng Sta. Maria Police, isang impormante ang nag-ulat kaugnay sa ibinebentang motorsiklong Yamaha Mio ni alyas Glen sa kaduda-dudang halaga na P10,000 sanhi upang ikasa ang buy-bust operation sa Brgy. Cayponbo, Santa Maria dakong alas-11:45 ng gabi. Nang iabot ng pulis ang P10,000 boodle money, nakahalata ang suspek kaya mabilis na tumakbo sa palayan at pinaputukan pa nito ang pulis na humahabol sa kanya na nagresulta sa shootout sanhi ng kanyang kamatayan.

Samantala, isinagawa ng mga tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr ng San Jose Del Monte City dakong ala-1:35 ng mada­ling araw ang buy-bust operation sa Brgy. San Pedro laban kina alyas JR at alyas Bay na sinasabing nagbebenta ng shabu. Nang magkaabutan ng buy-bust money at droga, nakahalata ang dalawang suspek sanhi upang bumunot ng armas subalit naunahan silang paputukan ng mga pulis na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Narekober kay alyas Glen ang isang .38 revolver, mga basyo ng bala, dalawang sachet ng shabu, isang motorsiklong Yamaha MIO at boodle money na ginamit sa operation habang narekober sa dalawa pang drug suspect ang isang .38 revolver, isang .22 revolver, mga basyo ng bala, 11 sachet ng shabu, isang tooter, isang alluminum foil strip at P500 marked money.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with