^

Probinsiya

Pulis pumalag sa NPA kidnappers, inutas

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pulis pumalag sa NPA kidnappers, inutas

MANILA, Philippines — Patay ang isang parak matapos na pagbabarilin ng grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang manlaban matapos siyang lusubin at tinangkang dukutin sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Jagupit, Santiago, Agusan del Norte nitong Huwebes ng gabi.??

Kinilala ang biktima na si SPO3 Reil Morgado, nakatalaga sa Santiago Municipal Police Station (MPS) sa Agusan del Sur. Siya ay agarang nasawi dahil sa tadtad na tama ng bala sa katawan.

 Sa report ni CARAGA Police Director P/Chief Supt. Gilbert Cruz, dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang krimen sa mismong tahanan ng biktima sa Purok 4, Brgy. Jagupit ng bayang ito. Habang nasa loob ng bahay, napansin nito ang mga armadong lalaki na kahina-hinalang umaaligid. Dahil dito, lumabas ng bahay ang biktima upang sitahin ang mga lalaki pero tinangka siyang sunggaban ng mga suspect upang gawing Prisoners of War (POWs) sanhi upang siya ay manlaban. Gayunman, sunud-sunod siyang pinaputukan ng mga rebelde. Nagawang makipagpalitan ng putok ng biktima pero higit na mas marami ang kalaban na pinalibutan ang kanyang bahay kaya siya napuruhan.

Tumakas ang mga rebelde tangay ang service firearm at mga personal na kagamitan ng nasabing pulis.

 Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote nila matapos na ituro ng confidential informant ang tatlong driver ng habal-habal na siyang sinakyan ng mga rebeldeng pumaslang sa biktima. Sila ay kinilalang sina Renate Caerleng, 34; Ryan James Caerleng, 18 at Riedel Cabello, 26; na sumasailalim na sa  masusing interogasyon.?

Nabatid na dalawang Rusi 150cc motorcycles na ginamit  ng mga rebelde ang narekober sa crime scene.

 Samantala, tiniyak ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na makatatanggap ng lahat ng benepisyo ang naulilang pamilya ng nasabing parak na nasawi sa pagtupad ng tungkulin at ipinaabot na rin ang taos pusong pakikiramay nito.

 “SPO1 Morgado did not die in vain, because someone will take his place to accomplish the unfinished mission,” ang sabi pa ni Albayalde.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with