^

Probinsiya

HVT timbog sa P6.8-M droga

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
HVT timbog sa P6.8-M droga
Kinilala ni PDEA-ARMM Director Juvenal Azurin ang suspek na si Mhads Mamintal Luminog alyas “Madz”, 43, driver, ng Purok Emba, RH-7 sa lungsod habang pinaghahanap ang nakatakas na kasamang si alyas “Tani”.

COTABATO CITY  , Philippines  —   Arestado ang isang high value target (HVT) dahil sa pagtutulak umano ng droga sa inilunsad na joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Cotabato City, nitong Huwebes.    

Kinilala ni PDEA-ARMM Director Juvenal Azurin ang suspek na si Mhads Mamintal Luminog alyas “Madz”, 43, driver, ng Purok Emba, RH-7 sa lungsod habang pinaghahanap ang nakatakas na kasamang si alyas “Tani”.  

Isinagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-ARMM, PDEA-9, PDEA-12, Task Force Kutawato, 5th Special Forces Battalion, Cotabato City Police Station 1, Cotabato City Drug Enforcement Unit, Highway Patrol Group-Region 12, Regional Drug Enforcement Unit ARMM at Barangay Drug Abuse Council laban kay Luminog pasado alas-3:00 ng hapon malapit sa Sariling Atin matapos na makipag-transaksyon sa isang PDEA agent na poseur buyer.  

Nang magkakaabutan ng droga at buy-bust money, agad na dinampot ang suspek. Nasamsam sa kanya ang 20 mala­king pakete ng hinihinalaang shabu na may bigat na isang kilo at P6.8 milyong halaga. Narekober din ang P1,000 marked money na inilagay sa ibabaw ng 13 bundle ng pekeng pera na nasa 1.3 milyong piso.   

Si Luminog ay kabilang sa HVT ng PDEA-ARMM na hinihinalaang miyembro ng isang kilabot na drug syndicate na nag-ooperate sa lungsod at mga karatig na lugar.

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with