^

Probinsiya

Sekyu bulagta sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Bumulagta ang 34-anyos na security guard matapos na umano’y pumalag sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanyang bahay sa Purok 3, Brgy. Lower Binogsacan, bayan ng Guinobatan kamakalawa ng gabi. Agad na nasawi matapos na mapuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na kinilalang si Allen “Kano” Suarez, ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi nang ilatag ng mga operatiba ng PDEA sa pangunguna ni Agent Vidal Bacolod ang buy-bust operation laban sa suspek na dating sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya.

Gayunman, nakahalata ang suspek na PDEA agent ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ng baril pero inunahan na siyang pinaputukan ng mga operatiba. Narekober sa napatay na suspek ang ilang sachet ng shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng P18,000, drug paraphernalia at kalibre 45 baril.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with