Misis itinumba, 1 sugatan

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang ginang at ginagamot sa ospital ang kasama nito matapos silang pagbabarilin ng riding-in- tandem sa Brgy. San Agustin, Sta. Ana, Pampanga kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, bagong talagang police regional director, isa sa mga biktima ang kinilalang si Janeth Guiao Macasaquit,  nasa hustong gulang, may asawa, ng Brgy. San Roque habang ang kasama nito ay isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Sa report, dakong alas-10:00 ng umaga habang papunta ang mga biktima sa Brgy. San Joaquin nang dikitan sila ng mga suspek lulan ng motorsiklo saka pinagbabaril.

Nang bumulagta ang mga biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek sa ‘di malamang direksyon.

Show comments