^

Probinsiya

P.8-M shabu samsam sa 6 ‘tulak’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
P.8-M shabu samsam sa 6 �tulak�

LUCENA CITY – , Philippines  —  Aabot sa mahigit P800,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng joint operatives ng Regional, Provincial at Lucena Drug Enforcement Unit sa anim katao na pinaniniwalaang mga kasapi ng drug syndicate matapos ang isinagawang magkasunod na anti-drug operation sa Barangay 4, ng lungsod kamakalawa. 

Batay sa ulat ni Quezon Police Director, Sr. Supt. Osmondo de Guzman, dakong alas-10:30 ng umaga sa Purok Sto. Rosario ng nasabing barangay ay natiklo sa unang buy-bust operation sa sinasakyan nilang Starex van sina Myline Alcantara alyas Mau, 31; ang kalalaya lamang na makaraang magpiyansa sa kasong paglabag sa RA 9165 na si Sharmaine Habito alyas Shame, 25, at ang driver na si Percival Dolor.

Dakong alas-7:20 ng gabi naman nang malambat sa nasabi ring barangay ang supplier ng droga at hinihinalang kabilang sa Cavite Drug Group na si Zulayca Laguindab alyas Tita/Madam, 45, at ang mag-asawang Ricson Piano alyas Ric, 36, at Norhata Piano alyas Nor, 40.    

vuukle comment

DRUG SYNDICATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with