^

Probinsiya

Jeep hulog sa tulay: 11 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Jeep hulog sa tulay: 11 sugatan
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktimang sina Albert Morali, Dexter Baluyo, Joseph Salvador, Aida Gallora, Maylene Gaor, Jenny Brunzal, Marissa Orgaya, Junel Pilapil, Maria Elena Bolanos, Romulo Baltazar at Ma­richu Concepcion, pawang ng mga bayan ng Goa, Tinambac, Lagonoy at Garchitorena.
Boy Santos/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa 11 katao ang isinugod sa ospital matapos na malubhang masugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang jeep sa mataas na tulay ng Sitio Cagait, Brgy.Olag Pequeno, Tinambac, Camarines Sur noong Biyernes ng umaga.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktimang sina Albert Morali, Dexter Baluyo, Joseph Salvador, Aida Gallora, Maylene Gaor, Jenny Brunzal, Marissa Orgaya, Junel Pilapil, Maria Elena Bolanos, Romulo Baltazar at Ma­richu Concepcion, pawang ng mga bayan ng Goa, Tinambac, Lagonoy at Garchitorena.

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga habang binabagtas ang highway ng pampasaherong jeep (EVW-597) na minamaneho ni Rey Casiao, 41-anyos, sakay ang 17-pasahero na karamihan ay mga estudyante mula sa Goa patungong Brgy. Tamban, Tinambac nang pagdating sa paakyat na bahagi ng highway ay nagloko ang makina ng jeep at nawalan ng kontrol ang driver sa manibela kaya umatras at dumausdos ang sasakyan pababa hanggang sa mahulog sa Lupi Bridge. Karamihan ng mga pasahero ay naipit at nasugatan pero agad silang sinaklolohan ng mga residente at naisugod sa Tinambac Infirmary at sa Bicol Medical Center sa Naga City kung saan patuloy silang inoobserbahan.

vuukle comment

CAMARINES SUR ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with