P2.3-M reward sa killer ni Uy

MANILA, Philippines — Naglaan na kahapon ng P2.3 milyong reward ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek na nang-ambush at pumatay kay Bayambang Councilor Levin Uy.

Ayon kay Bayambang Mayor Cezar Quiambao, P2 mil­yon ang inilaan niyang reward at karagdagang P300,000 naman mula sa kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Engineer Rosendo So.

Si Uy, masugid na supporter ni Mayor Quiambao ay pi­nag­­babaril habang nagjo-jogging sa Poblacion ng Bayambang, Panga­sinan noong nakalipas na Nobyembre 16 habang sugatan ang kasama nito na si Cesar Salosagcol.

Matapos na mamahinga sa pag­seserbisyo sa ba­yan, nagdesisyon si Uy na sumabak muli sa pagka-konsehal ng kanilang bayan para sa mid-term elections sa Mayo. Bago ang pagpatay, nakatanggap umano ng sunud-su­nod na death threat ang biktima. Naniniwala si Quiambao na pulitika ang motibo sa pagpatay kay Uy na ngayo’y masusing iniimbestigahan ng pulisya.

Show comments