^

Probinsiya

Ama todas sa taga ng anak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Ama todas sa taga ng anak
Sanhi ng mga tinamong tama ng taga sa ulo, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Luis Danoto habang arestado naman ang anak na si Julius, 22-anyos.
File Photo

Pag-evacuate, pinagtalunan

MANILA, Philippines — Patay ang isang 64-anyos na ama matapos pagtatagain sa ulo ng kanyang sariling anak na tumanggi sa hikayat na lumikas sa kanilang bahay dahil sa pinangangamba­hang landslide sa kanilang lugar sa liblib na kabundukan ng Sitio Yogyog, Barangay Pugong, Pasil, Kalinga noong Lunes.

Sanhi ng mga tinamong tama ng taga sa ulo, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Luis Danoto habang arestado naman ang anak na si Julius, 22-anyos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang magtalo umano ang mag-ama dahil tumangging sumama ang anak sa umano’y preventive evacuation na pinanawagan ng kanilang alkalde makaraang i-report ng Bureau of Mines and Geosciences (MGB) ang nadiskubreng active faultline sa lugar.

Batay sa imbestigasyon, nauwi sa pananaga ng anak sa ulo ng ama ang kanilang mainit na sagutan.

Sinikap isugod ng mga kaanak ang matanda sa pagamutan subalit idineklara na itong patay habang kinu­yog naman ang nakababa­tang suspek na kanilang isinuko sa pulisya bitbit ang ginamit na itak na may bahid ng dugo.

vuukle comment

CRIME SCENE IN PASIL KALINGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with