^

Probinsiya

Lider ng CPP-NPA todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lider ng CPP-NPA todas sa encounter
Kinilala ang nasawing lider ng komunistang grupo na si alyas “Ka Alan”, commanding officer ng Platoon 2 ng Guerilla Front Committee 68.
File Photo

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) habang isang sundalo ang sugatan matapos ang umaatikabong engkuwentro sa Brgy. Pinilayan, Tagoloan II, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawing lider ng komunistang grupo na si alyas “Ka Alan”, commanding officer ng Platoon 2 ng Guerilla Front Committee 68.

Hindi pa tinukoy ang pa­ngalan ng isang sundalo.

Ayon kay Captain Norman Tagros, spokesman ng  403rd Infantry Brigade ng Philippine Army, bandang alas-9:40 ng umaga habang nagsasagawa ng Focused Military Operations (FMO) ang 65th Infantry “Stalwart” Battalion (IB) nang masabat at nakasugapa nila ang nasa 70 NPA rebels sa magubat na bahagi ng Sitio Narvasa, Brgy. Pinilayan. Tumagal ang bakbakan ng 20 minuto na ikinasawi ng nasabing NPA leader habang isa sa mga sundalo ang nasugatan.

Nakumpiska sa lugar ang isang M16 rifle, isang A47 rifle, anim na AK-47 magazine na may mga kargang bala, 14 backpacks, 27 sako ng bigas, medical supplies at mga supersibong dokumento.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES–NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with