HVT sa listahan ni Digong, itinumba

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 47-anyos na lalaki na sinasabing high value target at nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilang gunman sa Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao, kahapon ng umaga.
Sanhi ng mga tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, duguang bumulagta noon din ang biktimang si Manny Sangki, taga-Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.
Ayon sa inisyal na ulat ng Ampatuan PNP, bumibili lang ng isda sa maglalako ang biktima nang lapitan ng armadong suspek na sakay ng kulay itim na Toyota Hilux at naka-bonet at agad na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Agad namang tumakas ang suspek sa ‘di nabatid na direksyon.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang dalawang basyo ng mga bala ng M-16 rifle.
- Latest