^

Probinsiya

Bangka lumubog: Mister nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bangka lumubog: Mister nalunod
Kinilala ang nasawing biktima na si Nenito Salenas, ng Brgy. Gaulan, Diplahan.

MANILA, Philippines — Nilamon ng ilog ang isang 39-anyos na mister  matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka habang nakaligtas ang isang kasamang mangingisda nito sa ilog ng Brgy. Pilar sa Diplahan, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Nenito Salenas, ng Brgy. Gaulan, Diplahan.

Ang biktima ay narekober ang katawan sa ilog matapos ang ilang oras na bagaman nagawa pang maisugod  sa Wilfredo Palma Memorial Hospital ay idineklarang dead-on-arrival.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang  aksidenteng lumubog ang pumpboat na sinasakyan ng biktima at ng kasama nitong mangingisda sanhi ng malakas na agos ng tubig sa  malalim na bahagi ng nasabing ilog. Nagawa namang makakapit sa kawayan na bahagi ng nasirang pumpboat ang biktima kung saan ay pansamantala itong iniwan ng kanyang kasamang mangingisda na si Eduardo Villa, 56 taong gulang.

Si Villa ay lumangoy patungo sa pampang  na humingi ng tulong sa kapitan ng Barangay at mga residente sa lugar. Nang balikan nila ang biktima, tuluyan na siyang nilamon ng tubig at dakong alas-11 ng tanghali ay lumutang ang katawan nito na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

MAN DROWNED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with