^

Probinsiya

Van sumalpok sa bahay: 2 durog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Van sumalpok sa bahay: 2 durog

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng dalawang helper habang sugatan ang driver ng isang delivery wing van matapos mawalan ng kontrol at bumangga sa bahay sa tabi ng Mahar­lika National Highway sa Purok-5, Brgy. Tuaca, Basud, Camarines Norte kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet ang biktimang si Mark Christian Falabi, 27-anyos, ng Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur habang si Alvin Alipis, 34-anyos, ng Brgy. Concepcion Grande, Naga City ay nasawi habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy namang inoobserbahan ang lagay ng sugatang driver na si Francis Bonavente, 34, ng Brgy. Mambolo Nuevo, Libmanan.

Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga, mabilis na binabagtas ng deli­very wing van (RFF-366) ang highway na minamaneho ni Bonavente nang mawalan ng preno. Dahil sa bilis ng takbo, tuluyang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at rumampa sa damuhang bahagi sa gilid ng kalsada at tuluy-tuloy na sumalpok sa isang bahay na kapwa ikinasawi ng dalawang helper.

Agad na sinaklolohan ng mga residente ang mga biktima at isinugod sa ospital subalit kapwa idineklarang patay dahil sa mga matitinding sugat sa ulo at katawan.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with