^

Probinsiya

3 holdaper utas sa shootout

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Philippines — Patay ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng highway robbery group makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Brgy. Malao-a ng lungsod, lalawigan ng Quezon kamakalawa ng madaling araw.

 

Nakilala lamang sa mga alyas na Jeremy, John Kerby at Magno ang mga napaslang na sinasabing mga kasapi ng “Buriko Group.”

 

Ayon sa bagong tala­gang chief of police rito na si P/Supt. Mark Joseph Laygo, nagsagawa sila ng follow-up operation dakong alas-12:15 ng madaling araw kasama ang mga operatiba ng Quezon PIB matapos na holdapin ng nasabing grupo sa Barangay  Opias ang mga biktimang sina Jayson Palambiano, 22, ng Brgy. San Diego Zone 1; Cynthia Calabano, 20 ng Brgy. Opias at Renee Rose Balagtas, 21 ng Brgy. Camaysa.

Tinangay ng mga sus­pek buhat sa mga biktima ang isang motor­siklo, mga cellphone at P15,000 cash saka tumakas patungo sa direksyon ng Sariaya, Quezon.

Nang magpositibo ang impormasyon sa ki­naroroonan ng mga suspek sa provincial road ay agad silang pinahinto ng mga pulis subalit sa halip na sumuko ay nagpapu­tok sila ng baril kung kaya napatay sa shootout.

Nabawi ng mga awtoridad sa mga suspek ang mga nakulimbat nila sa mga biktima at dalawang homemade Smith and Wesson caliber 38.

vuukle comment

BURIKO GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with