65-anyos ama kinatay ng anak!

Agad na nasawi dahil sa tinamong malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jeffrey Villaganas Jr., habang isinugod ng mga kaanak sa MC Hospital sa Masbate City ang suspek na si Gram Villaganas, 29-anyos.

Suspek nagsaksak sa sarili

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 65-an­yos na tatay matapos na pagsasaksakin ng sariling anak habang natutulog sa loob ng ka­nilang bahay at saka nagsaksak sa sarili ang huli sa Brgy. Camayabsan, Placer, Masbate kamakalawa ng hapon.

Agad na nasawi dahil sa tinamong malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jeffrey Villaganas Jr., habang isinugod ng mga kaanak sa MC Hospital sa Masbate City ang suspek na si Gram Villaganas, 29-anyos.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-5 ng hapon habang natutulog sa loob ng kanilang bahay ang matandang Villaganas nang pumasok ang anak na si Gram na may dalang kutsilyo at bigla na lamang inundayan ng sunod-sunod na saksak ang ama. Nang makitang duguan at wala ng buhay ang ama, nagsaksak sa tiyan ang suspek na ngayo’y nasa malubhang kalagayan.

Kasong parricide ang inihahanda ng pulisya laban sa suspek na patuloy na inoobserbahan sa ospital habang hindi pa alam kung ano ang naging motibo sa pagpatay sa kanyang tatay.

Show comments