^

Probinsiya

Drug peddler todas sa shootout

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Drug peddler todas sa shootout
Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek hanggang sa paputukan ang pulis subalit nagmintis ito.

TARLAC  , Philippines  —  Patay ang isang hinihinalang  “drug peddler” matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Tarlac Police na nagsagawa ng isang anti-drug operation sa Brgy. Sampot, bayan ng Paniqui kamakalawa. Sa ulat sa tanggapan ni Supt Luis Ventura Jr, hepe ng Provincial Intelligence Branch, kinilala ang napatay na suspek na si Rigor Pitolan, ng  Brgy. San Roque, Tarlac City. Dakong alas-11:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Pitolan at isang poseur buyer ang bumili sa kanya ng shabu.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek hanggang sa paputukan ang pulis subalit nagmintis ito. Napilitang gumanti ang mga operatiba hanggang sa mabaril ang suspek na kanyang agarang ikinasawi. Nasamsam ang sachet ng shabu, isang cal 38 baril at perang ginamit bilang marked money.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with