3 bigtime ‘pusher’ huli sa drug bust

Kinilala ang mga nadakip na sina Gary Fernandez, 45, isang overseas Filipino worker (OFW), ng #47 Rubia St. Brgy. Tabing-dagat, Bacoor City; Rolly Espiritu, 27, ng Brgy. Mabolo 3, Bacoor City, at Jasmine Aquino, 21, dalaga, ng Velarde Subd. Brgy. Medicion IC, Imus City.

Bystander nasapol ng ligaw na bala

Cavite , Philippines  —  Tatlong pinaniniwalaang mga bigtime na drug pusher ang natimbog ng pulisya habang sugatan ang isang bystander nang matamaan ng ligaw na bala sa isinagawang drug bust operation kahapon ng madaling-araw sa Bacoor City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Gary Fernandez, 45, isang overseas Filipino worker (OFW), ng #47 Rubia St. Brgy. Tabing-dagat, Bacoor City; Rolly Espiritu, 27, ng Brgy. Mabolo 3, Bacoor City, at Jasmine Aquino, 21, dalaga, ng Velarde Subd. Brgy. Medicion IC, Imus City.

Tinutugis naman ng pulisya na si Frederick Felizardo alias Boy Guinto na tinuturong lider ng mga nadakip na suspek, ng nasabi ring lugar.

Isa namang bystander na si Roberto Bradecina ang nilalapatan ng lunas matapos na madamay at masugatan nang tamaan ng ligaw na bala dahil sa pagpapaputok ni Felizardo habang tumatakas.  

Sa ulat, ala-1:45 ng madaling-araw nang makipagtransaksyon ang isang pulis buyer sa isang nagngangalang Kim Bustillo upang bumili dito ng shabu. Subalit pagdating sa pinag-usapang lugar, hindi si Bustillo ang dumating at humarap kundi si Fernandez ang nag-abot ng shabu sa poseur buyer.

Kasabay nito, naaktuhan din ng mga pulis sa lugar ang dalawa pang suspek na binebentahan ng shabu ang isang adik. 

Sa interogasyon, inginuso ni Fernandez ang kanyang supplier ng droga na isang alias Biboy kung kaya agad nagsagawa ang PDEA at Kawit Police ng operasyon sa may Shell gasoline station sa Brgy. Balsahan, Binakayan, Kawit.

Pagdating sa lugar, namataan agad nila ang isang Honda Civic na kulay blue na siyang gamit ng kanilang target subalit hindi pa sila nakakalapit ay sinalubong na sila ng mga putok at mabilis na pinaandar ng suspek ang kanyang kotse papatakas.

Nagkaroon ng habulan subalit nakatakas din ang suspek habang natamaan sa putukan ang nasabing bystander.

Show comments