^

Probinsiya

Onsehan sa droga: ‘Pusher’ itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Onsehan sa droga: �Pusher� itinumba
Kinilala ang biktima na si Ernesto Altejar, 48-anyos, tubong Dumaguete City, Negros Oriental.

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang dahilan upang mapatay ang isang sinasabing notoryus na ‘tulak’ matapos na pagbabarilin at mapatay ng tatlong ‘di pa nakilalang tatlong armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Bakilid, Mandaue City, Cebu kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Altejar, 48-anyos, tubong Dumaguete City, Negros Oriental.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siya nitong dagliang ikinamatay.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, nangyari ang insidente bandang alas-8:00 ng umaga, habang nakatayo ang biktima sa bangketa sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na sinasakyan ng tatlong lalaki at agad itong pinaulanan ng bala hanggang sa duguang bumulagta.

Nabatid na ang biktima ay nasa drug watchlist ng mga awtoridad at hinihinalang may kinalaman sa onsehan sa droga ang pamamaslang dito.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with