Lolo dedo sa katomaang adik

MANILA, Philippines — Patay ang isang 69- anyos na lolo matapos paluin sa ulo ng ‘di pa natutukoy na uri ng matigas na bagay ng kainumang adik na kanyang pinaliguan ng pagmumura sa Brgy. 53 Rioeng, Laoag City, Ilocos Norte, kamakalawa.

Sa report ng PNP Laoag City, napuruhan sa noo si Agripino Padaca Placido ni Larry Marcos Espiritu, 22, na nadakip sa isang follow-up operation sa naturang lugar.

Nasamsam kay Espiritu ang isang sachet na shabu nang madakip ito ng mga pulis.

Ayon sa suspek, nagdilim ang kanyang pa­ningin matapos siyang laitin at pinagmumura ng matanda na kaniyang kainuman kaya niya nagawa ang krimen.

Matatandaan na sinikap itago ni Espiritu ang bangkay ng biktima sa isang abandonadong piggery subalit nadiskubre kinalaunan ng mga residente dahil sa umalingasaw na amoy nito nang magsimulang maagnas.  

Show comments