^

Probinsiya

Pulis vs holdaper: 2 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pulis vs holdaper: 2 sugatan
Sinabi ni City Police Station 2 commander Chief Insp. Efren Salazar, naganap ang insidente sa tapat ng isang kilalang hotel na nasa Sinsuat Avenue ng siyudad pasado alas-11 ng umaga kahapon. Sakay ng pampasaherong habal-habal ang biktimang si Rachelle Cabasag, kawani ng isang bus company sa siyudad nang dikitan ng motorcycle ri­ding suspects, tinutukan ng baril at sabay deklara ng holdap.

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang sinasabing sugatan kabilang ang isang suspek matapos ang engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ri­ding-in-tandem holduppers na nambiktima sa isang kawani ng bus company sa Cotabato City, Lunes ng umaga.

Sinabi ni City Police Station 2 commander Chief Insp. Efren Salazar, naganap ang insidente sa tapat ng isang kilalang hotel na nasa Sinsuat Avenue ng siyudad pasado alas-11 ng umaga kahapon. Sakay ng pampasaherong habal-habal ang biktimang si Rachelle Cabasag, kawani ng isang bus company sa siyudad nang dikitan ng motorcycle ri­ding suspects, tinutukan ng baril at sabay deklara ng holdap.  

Pinaputukan umano ng mga suspek ang sinasakyan ng biktima kaya tinamaan sa binti ang driver na si Abdul Dalanda.  

Agad na rumesponde ang tropa ni Salazar mula sa Police Station 2 na nagroronda sa lugar at nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok kung saan tinamaan ang isa sa mga suspek. Gayunman, nagawang makatakas ng mga suspek na ngayo’y tinutugis na ng pulisya at pinababantayan nito ang pagamutan sa syudad na posibleng pagdalhan ng sugatang suspek.

vuukle comment

RI­DING-IN-TANDEM HOLDUPPERS SHOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with