Minero dedo sa kapwa minero
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Tuluyang hindi nagising ang isang 34-anyos na minero matapos barilin ng kapwa minero habang natutulog sa loob ng barracks sa Sitio Boston, Brgy. Capsay sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng punglo ang tumama sa likurang bahagi ng leeg ng biktima na si Alex “Rectoy” Francisco,residente ng Sitio Tagaytay nang nasabing barangay habang arestado naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Rollie Manlapas,32 anyos. Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi habang natutulog ang biktima sa loob ng kanyang barracks nang biglang sumulpot mula sa likuran ang suspek at pinagbabaril ang una sa leeg.

Hindi na nagawa pang isugod sa ospital makaraang masawi agad si Francisco. Hindi naman pumalag si Manlapas nang arestuhin ng mga pulis. Nabawi mula sa suspek ang ginamit na kalibre 45 baril habang ‘di pa malinaw kung ano ang motibo sa pamamaslang.

SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with