1 dedo, 10 timbog sa drug ops

Kinilala lang ng pulisya ang bumulagtang suspek sa alyas na ‘Majimbo’.

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga nang manlaban sa mga alagad ng batas sa buy-bust operation na ikinasa sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan habang sampu pang katao ang naaresto sa sunud-sunod na operasyon sa iba’t ibang bayan sa lalawigan, Sabado ng gabi at Linggo ng madaling araw.

Kinilala lang ng pulisya ang bumulagtang suspek sa alyas na ‘Majimbo’.

Sa ulat ng San Jose Del Monte City Police, dakong alas-12:10 ng hatinggabi nang matapos ang transak­syon sa pagitan ng suspek at poseur buyer na pulis ay aarestuhin na sana ang suspek ngunit pumalag ito na agad na binunot ang kanyang armas subalit na­ging maagap ang pulisya na ikinasawi nito.

Bago ito ay nagsagawa ng drug-bust ang mga tauhan ng Bulacan Police na ikinaaresto ng tatlong katao habang pito pa ang nasakote mula sa mga bayan ng Pulilan, Norzagaray, Meycauayan City, San Jose del Monte City.

Kasalukuyan nang nakadetine at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso ang mga suspek na sina Leonardo Cruz, 42, Adrian Bito, 22, Orly Ortega, 38, Maximino Manes, 34, Raymund Cayao, 18, Sunday Acosta, 34, Jomar Dacoco, 20, Alexander Samaniego, 20, Ronald Del Mundo, 21, at Roberto Salita Jr., 41.

Show comments