^

Probinsiya

Wanted, dyowa lasog sa granada!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Wanted, dyowa lasog sa granada!
Sa report ni Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Edward Carranza, kinilala ang mga nasawing suspek na sina Jeffrey Escobido, No. 2 most wanted criminal sa Southern Tagalog Region at Jhoan Escano.

MANILA, Philippines — Isang lalaking wanted sa batas at girlfriend nito ang kapwa sumambulat makaraang aksidenteng sumabog ang dalang granada na ihahagis sana sa mga pulis na tumutugis sa kanila habang tumatakas sa Talisay, Batangas nitong Lunes ng hapon.

Sa report ni Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Edward Carranza, kinilala ang mga nasawing suspek na sina Jeffrey Escobido, No. 2 most wanted criminal sa Southern Tagalog Region at Jhoan Escano.

Si Escobido ay may 12 warrant of arrest na inisyu ng  iba’t-ibang korte sa Batangas kaugnay ng mga kasong murder, robbery at car theft.

Sinabi ni Carranza na si Escobido ay miyembro ng “Magtanggol de Castro Gun-for-Hire Gang” na nalansag ng mga awtoridad sa Candelaria, Quezon noong Hulyo ng taong ito.

Bandang alas-4:45 ng hapon, ayon sa opisyal ma­tapos ang pagtugis ng mga operatiba ng Regional Intelligence Police Unit sa target na si Escobido ay kanilang natunton sa Caloocan, Talisay City. Gayunman, papasok pa lamang sa nasabing lugar ang mga pulis upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek ay tumalilis siya lulan ng isang sasakyan kasama ang kanyang sinasabing nobya na si Escano. Dito nagkaroon ng habulan hanggang sa may magpaputok ng baril mula sa  sasakyan ng suspek na ipinalalagay na isa sa magkasintahan ang bumabaril at isa naman ang nagmamaneho ng behikulo.

Sa gitna ng mainitang habulan, biglang may sumabog sa loob ng behikulo ng magnobyo sanhi upang sila ay sumambulat habang wasak din ang kanilang sasak­yan. Hinihinala ng mga awtoridad na plano ng suspek na ihagis sa mga humahabol sa kanila ang hawak na granada na maaaring natanggalan na ng pin subalit nabigong maihagis ito kaagad.

Sa tala ng pulisya, wan­ted din si Escobido sa mga kasong pagpatay sa dalawang intelligence operative ng Batangas Police, kapatid ng isang lokal na opisyal sa Laurel, Batangas; ang nakawan ng mga sasakyan at iba pang kriminal na aktibidades sa Tanauan City kung saan aabot din ang operasyon ng grupo nito sa Lucena City, Quezon.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with