^

Probinsiya

Road rage: 2 patay, 2 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Road rage: 2 patay, 2 sugatan
Kinilala ang mga nasawi na sina Remark Gatchalian, 30 anyos at Melgar Lagare, 26; pawang hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng malalim na taga na tinamo sa katawan.

MANILA, Philippines — Nauwi sa karahasan ang alitan sa kalsada matapos na pagtatagain ng isa sa dalawang negosyante ang mga nakabanggaan nilang kalalakihan sa gitna ng mainitang pagtatalo sa kahabaan ng  makipot na daan sa Bolinao, Pangasinan nitong Lunes ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawi na sina Remark Gatchalian, 30 anyos at Melgar Lagare, 26; pawang hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng malalim na taga na tinamo sa katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Rillera Medical Hospital ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Richard Gatchalian, 29, kapatid ni Remark at Mark Anthony Dulay, 24.

Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas-11:40 ng tanghali habang lulan sina Gatchalian ng tricycle na minamaneho ni Renante Quebada, 31, nang kalampagin nila ang mga sakay ng Isuzu Elf truck na nakahambalang ang parada sa kalsada kaya hindi sila makalusot sa makipot na kalsada na kanilang daraanan sa Brgy. Balingasay. Pinakiusapan umano nina Gatchalian ang driver ng truck na si Ramil de Vera, 35, livestock buyer na alisin sa kalsada at itabi ang truck para makadaan ang kanilang tricycle pero pinagtawanan lamang umano sila ng grupo. Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni de Vera at nina Gatchalian bunsod naman upang bumaba sa trak ang kasamahan ng driver ng behikulo na si Arman Capeña, 58, isa ring livestock buyer na dinaluhong ng taga ang kanilang mga nakabangga. Hindi naman nasugatan ang kasamahan nina Gatchalian na si Quebada dahil nagawa nitong makatakbo.

Nasakote ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang mga suspek na sina de Vera at Capeña matapos ang habulan at makorner sa Brgy. Arnedo ng nasabing bayan.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with