Obrero ng Maynilad nagbigti

CAVITE  , Philippines  —  Nakabigti at patay na ang isang obrero ng Maynilad nang datnan siya ng kanyang mga kasamahan sa loob ng kanilang barracks sa Greenvalley Brgy. Molino 2 Bacoor, Cavite, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronald Roy Abit, 27 ng Brgy. Moonwalk, Parañaque City. Sa ulat ng pulisya, alas-12:47 ng hapon nang madiskubre ng mga kasamahan ang nakabigting katawan ng biktima.

Nabatid na  naiwan umanong mag-isa ang biktima sa nasabing barracks dahil sa masama umano ang katawan nito. Subalit pagbalik ng mga kasamahan nito sa barracks ay dito na nila natagpuan ang nakabigting biktima.

Show comments