^

Probinsiya

SUV salpok sa payloader: 1 patay, 8 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
SUV salpok sa payloader: 1 patay, 8 sugatan
Isinugod lahat ang mga sugatan sa Immaculate Heart of Mary Hospital Inc sa bayan ng Virac pero idineklarang patay ang isa sa pasaherong si Nena Padernal, 66-anyos.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Isa katao ang patay habang walo ang sugatan kabilang ang mga dayuhang bumibisita sa bansa matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang SUV sa nakaparadang payloader sa kahabaan ng national road ng Brgy. Kilikilihan, San Miguel, Catanduanes kamakalawa ng umaga.

Isinugod lahat ang mga sugatan sa Immaculate Heart of Mary Hospital Inc sa bayan ng Virac pero idineklarang patay ang isa sa pasaherong si Nena Padernal, 66-anyos.

Kinilala ang mga sugatan na inoobserbahan sa naturang ospital na sina Marchelle Uchi, 44, driver ng SUV (XHT-455); Michael Uchi, 72; Leonor Uchi, 70; Leny Uchi, 35 at Doming Padernal, 59 anyos, lahat ay residente ng Brgy. San Vicente, Viga at ang mga bisitang dayuhan na sina Rechilda Pomerleau, 42; at mga batang sina Steven Pomerleau, 8, at Alex Pomerleau, 5, pawang tubong Genis Powilly, France.

Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga, mabilis na binabaybay ng SUV ang kahabaan ng highway patungong bayan ng Virac nang mawalan ng kontrol ang driver na si Marchelle at sumalpok sa nakaparadang payloader sa tabi ng highway. Sa lakas ng bangga, nawasak ang sinasakyang SUV ng mga biktima.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with