7 teroristang NPA bulagta sa raid!

Kinilala ang mga napatay na sina Jason Talibo alyas Ka Bebe ng Igbaras, Iloilo na isa sa target ng warrant of arrest; Karen Ceralvo ng Kalibo, Aklan; Felix Sal­ditos, taga-Ilog, Negros Occidental; Jason Sanchez; Rene Yap, ng Leganes, Iloilo; Liezel Bandiola alyas Mayang ng Nabas, Aklan at isang hindi pa nakilalang lala­king rebelde.
Interaksyon File Photo

MANILA, Philippines — Pitong pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos salakayin ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang kanilang kuta sa Brgy. Atabay, San Jose, Antique nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Jason Talibo alyas Ka Bebe ng Igbaras, Iloilo na isa sa target ng warrant of arrest; Karen Ceralvo ng Kalibo, Aklan; Felix Sal­ditos, taga-Ilog, Negros Occidental; Jason Sanchez; Rene Yap, ng Leganes, Iloilo; Liezel Bandiola alyas Mayang ng Nabas, Aklan at isang hindi pa nakilalang lala­king rebelde.

Nakatakas naman sa raid si Joven Ceralvo alyas Ka Lex; isa sa may warrant of arrest kaugnay ng kasong isinampa laban dito sa pag-raid sa himpilan ng Maasin Municipal Police Station sa Iloilo kamakailan.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, director ng Western Visayas Police (Police Regional Office 6), bandang alas-12:10 ng madaling araw habang isinisilbi ng San Jose Police sa pamumuno ni Supt. Mark Anthony Darroca, officer-in-charge at ng Phl Army ang warrant of arrest laban kina Talibo at Ceralvo sa kanilang safehouse sa nasabing lugar. Gayunman, papasok pa lamang ang tropa ng pamahalaan ay sinalubong na sila ng mga bala sanhi nang palitan ng putok na tumagal ng 30 minuto na ikina­bulagta nang pitong rebelde habang nagawang makatakas ni Ceralvo.

Narekober sa ope­rasyon ang tatlong hand grenades, dalawang bala ng 40 mm, da­lawang rifle grenade, isang homemade 12 gauge shotgun, dalawang homemade cal. 38 revolver, isang home­made KJ9, tatlong ma­gazine ng KJ9; 2 laptop, isang netbook, 22 analog cellphone, pitong Android cellphone, 5 tablet, isang Canon DSIR camera, limang Canon DSIR spare batteries,  dalawang pocket wifi, isang powerbank, 3 SD card, isang USB, 22 assorted SIM cards, tatlong transistor radio, 14 cellphone charger, isang itak, iba pang mga personal na kagamitan  at mga subersibong dokumento. Nakuha rin sa lugar ang extortion letter na nakapangalan sa Napoleon Tumagtang Command, Sou­thern Front, notebooks na talaan ng mga kinokoto­ngan ng mga teroristang komunista, bank books at ATM cards, gayundin ang Honda XR 150 motorcycle na kulay itim, sari-saring gamot, kulay puting envelop na gamit sa extortion, P34,601 cash at walong backpacks.

Show comments