^

Probinsiya

Militar vs BIFF: 5 patay, 6 sugatan!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Militar vs BIFF: 5 patay, 6 sugatan!
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng sundalong nasawi at apat na bandidong BIFF habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga sundalong nasugatan sa bakbakan.
Ernie Penaredondo

NORTH COTABATO, Philippines — Bulagta ang apat na mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at isang sundalo ha­bang anim pa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan matapos ang naganap na engkuwentro sa inilunsad na operasyon ng militar sa liblib na lugar sa Datu Unsay, Maguindanao kamakalawa ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng sundalong nasawi at apat na bandidong BIFF habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga sundalong nasugatan sa bakbakan.

Ayon kay Brig. Gen. Diosdado Carreon, commander ng 601st Infantry Brigade ng Phl Army na naka-engkuwentro ng militar ang BIFF sa naturang lugar at sa kanilang clearing operations sa safehouse nina Kumander Bungos at Kadaffy Abdulatif ay rekober nila ang tatlong high powered firearms na kinabibilangan ng isang caliber 50 Barret type sniper rifle; isang US 5.56 M-16 rifle; isang caliber 7.62 modified M-14 rifle at isang locally made na cal. 45 pistol.  Nakuha rin ang  dalawang hand grenade-type improvised explosive devices, tatlong sako ng IED components, isang caliber 45 magazine, isang M-14 magazine, mga bala ng 7.62 cal., isang caliber 50 cocking handle at isang ICOM radio antenna na may wire.

Samantala, nakuha ng Joint Task force Central ang ilang matataas na uri ng armas at mga pampasabog sa kuta ng BIFF, partikular sa Bungos faction na nasa Barangay Malangog, Datu Unsay.  

Inilunsad ng militar ang operasyon kasunod sa mga report na planong bombahin ng teroristang grupo ang mga panguna­hing lungsod sa Region 12.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with