^

Probinsiya

2 ‘Basag Kotse’ utas sa shootout

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 �Basag Kotse� utas sa shootout
Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Arwin Tadeo ng Pulilan Police, dakong alas-9:30 ng umaga ay iniulat ng isang residente sa pulisya ang presensya ng dalawang suspek na umano’y nagmamatyag sa kanilang lugar at kahina-hinala ang mga kilos lulan ng isang pampasaherong traysikel.
Edd Gumban/File

BULACAN, Philippines — Dalawang hindi kilalang lalaki na sinasabing mga miyembro ng notoryus na “Basag Kotse Gang” ang bumulagta matapos na umano’y kumasa sa mga pulis sanhi ng engkuwentro sa Brgy. Cut-Cot, bayan ng Pulilan noong Lunes ng umaga.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Arwin Tadeo ng Pulilan Police, dakong alas-9:30 ng umaga ay iniulat ng isang residente sa pulisya ang presensya ng dalawang suspek na umano’y nagmamatyag sa kanilang lugar at kahina-hinala ang mga kilos lulan ng isang pampasaherong traysikel.

Dahil dito, agad na nirespondehan ng mga pulis ang lugar at nang makita ang mga suspek ay palihim nilang sinubaybayan ngunit nakahalata umano sanhi upang agad na tumakas na nagresulta sa mahabang habulan.

Nang masukol sa harapang bahagi ng isang establisimyento sa NIA Road, Palayan St., Brgy. Cut-Cot ang dalawang suspek ay dito na bumunot umano ang isa ng kanyang armas at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng barilan na ikinabulagta ng dalawa.

 Narekober ng SOCO sa mga suspek ang isang .38 revolver, mga bala, isang granada, 11 sachet ng shabu, isang pampasaherong traysikel na Rusi 125 (CA-81613), dalawang cellphone at isang malaking baterya ng sasakyan na hinihinalang nakaw.

vuukle comment

BASAG KOTSE GANG SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with