Tandem umatake: Rider itinumba

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima at mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang bumibiyahe ang biktima sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng hapon.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima at mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali habang sakay umano ang biktima ng isang itim na scooter at bumibiyahe mula Masinag patungong Cogeo nang bigla na lang paulanan ng bala ng ‘di kilalang suspek pagsapit nito sa Barangay Mayamot.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima, mabilis na tumakas ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo, na walang plaka.

Show comments